Miyerkules, Setyembre 21, 2016

Pak Ganern!.... Oo ganern, ganern na nga.




Pak Ganern! Mula bata hanggang mga tanders maririnig mo to eh, eto yung maririnig mo papunta sa tindahan bibili ka sana ng yosi, sitserya o kendi tapos bigla mo na lang maririnig "Pak Ganern!", bigla ka na lang mapapatingin dun sa pinanggalingan ng salitang narinig mo pero siyempre dahil chismoso/chismosa ka rin babagalan mo yung paglalakad mo para marinig mo kung ano pinag-uusapan nila di ba? 

 Pero bat ka nga ba napatigil na lintek ka? di ba? kasi madalas mo na naririnig eh, ke mapabata, matanda, gerl boy bakla tomboy, mga chismosa hanggang siga sa kanto na de tattoo ng bungo at demonyo bigla mo maririnig "Pak Ganern!"

Saan nga ba nagmula ang pagpapahayag (expression in English mofo) na to? Malamang mula sa mga kapatid nating bading (Ipako sa Krus!!! jeje jk lng), But to be straight (no pun intended) to me it is an expression you make when you are able to make a successful statement or argument...

Example:

Para makamit natin ang werld pis dapat tayo magkaisa! Pak Ganern!

Ang pagsuot ng polka dots pag bagong taon hindi pangpa tangkad kundi para swertehin ka sa pera!!! Pak Ganern!

Hiwalay dapat ang puti sa de-kolor tanga! Pak Ganern!!!

Dati sa inuman kapag naparami na ng tagay ( Lam niyo naman mga lalake pag nakainom na di na Boobs ang pinag-uusapan nagiging malalim) kapag nagbibigay ng payo ang isa sasabihin "Ganun dapat pre/brad/tol" pero ngayon "dapat kase (mahabang paliwanag at diskusyon) Pak Ganern!". Tapos sasabihin mo "Sige pre tatandaan ko yan" pero wala na sa isip mo kinabukasan.

Kung madalas mo ng naririnig ang salitang ito, wag ka na magtaka kung parte na ito ng ating kultura. Kung napapa WTF ka sa salitang ito makakasanayan mo rin yan, pwedeng lumipas pwedeng hindi at wala ka ng magagawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento